Monday, July 19, 2010

My First Short Film

This is the movie I made for my Communication Skills project. Hope you like it. I really made too much effort on this. :D
video

Thursday, May 27, 2010

A Sad Love Story

Para sa mga sawi sa pag ibig...

video

Sunday, April 5, 2009

Classmate

Akala ko dati, ako na ang worsesesesest student sa section Abada A. Hindi pala! Yehey! May classmate akong wala nang ibang ginawa kundi matulog at kumaen. Nakapuwesto siya sa pinaka huling row. Habang nag-didiscuss ang teacher, madalas namin syang nakikitang natutulong. Kung minsan pa nga'y nakatakip pa ang kanyang jacket sa ulo nya para siguro mas makatulog siya ng maayos. At eto, kinuhanan ko ng picture ang upuan niya...







Andaming kalat! May chocolates, kape sa 7/11, etc. Sayang naman ang pinangbayad nitong tuition. 7,300 pa naman ang tuition. Haaay!

Tuesday, March 31, 2009

Air Hour




Please support AIR HOUR on April 1, 2009 at 8:30 pm. Hold your breath for one hour. Its for a good cause. Please cooperate. One Hour, a gift to Mother Earth.

Sunday, March 8, 2009

Comfort Room?

Heto ang nakita ko malapit sa school namin. Isang CR na walang bayad. Libre lang daw pag umutot ka. Ang hirap naman nun! Hindi ko pa sinusubukan dahil nakakahiya. Nasa kanto pa naman. Mahirap na, baka may makakita pa ng tunten ko. Noong nakasakay na ako sa tricycle, bumaba muna ako saglit para makuhanan ko ito ng litrato...


Monday, February 23, 2009

10 Chenes Chever Kemberly Eklavu (tagged)

Matagal na akong hindi nakapag-post dito sa blog ko. Buti nalang tinag ako ni kuya Sher. At ipagpapatuloy ko din ang ideya nila kuya Sher na siyam lang sa sampung kuwentong ang totoo, at ang isa ay kuwentong barbero lang.

1. 13 years old na ako noong tumigil akong umihi sa higaan habang natutulog. Madalas kasi dati, pag gising ko sa umaga, basang basa na ako dahil naihi na ako sa kama.

2. Noong bata pa ako, sinubukan kong isiksik ang sarili sa isang timba. Matagal pa bago ako nakalabas sa tulong ni mama at kuya. Sa pagkakaalala ko, nilagyan muna ng madaming sabon ang timba bago ako nakalabas.

3. Nagbigti ako noong bata pa ako. Nag dugtong-dugtong ako ng mga sintas ng sapatos at isinabit ko sa kisame. Tumalon ako at nagbigti. Sobrang gulat ni mama nang makita niya akong nakabigti. Halos dalawang linggo akong may sugat sa leeg at likod ng tainga.

4. Habang kami'y kumakain ni kuya...
Ako- Alam mo, mas gusto ko sa babae yung mataba.
Kuya- Bakit naman?
Ako- Eh kasi, para sakin, mas masarap akapin kapag mataba.
Kuya- Eh pag payat naman, mas madaling buhatin.

Ahihi! Oo nga naman.

5. Habang kami ng mga classmate ko ay nagpa-practice para sa aming field demo noong ako'y first year highschool, nadulas ako at nabutas ang pantalon ko. Tinakpan ko ang butas ng aking pantalon gamit ang aking kamay sa bandang harap habang naglalakad ng dahan-dahan para walang makakita. Pero napansin ko na butas din pala hanggang sa puwet ko kaya't agad akong lumabas ng classroom para tawagan si kuya sa bahay at magpadala ng pantalon. Sana walang nakakita sa puwet ko. Ang dami pa namang babae sa likod ko noong nabutasan ako ng pantalon.

6. Noong ako'y elementary pa, ang president ng aming klase ay naglilista ng maiingay at makukulit sa loob ng classroom. kung sino ang mga malilista ay gagawa ng Jug. Kahit hindi ako nalilista, gumagawa parin ako ng jug. alam nyo kung bakit? Ang mga ginagawa kong jug ay ibinebenta ko sa mga kaklase kong nalilista. 10 pesos bawat page, at 20 pesos pag back-to-back.

7. Ilang taon palang noong nawala ako sa Star City. Naka-pila kami ni kuya, mama, at papa sa boat ride. Nagulat sila noong nakita nilang wala na ako sa pila. Ang tagal nila akong hinanap. Hanggang nakita nila akong sumisingit sa pinakaharap ng pila.

8. Noong maliit pa ako, sa simbahan, kapag kumakanta na ng Ama namin, naghahawak kami ni kuya ng kamay pero nagkukurutan kami ng mga daliri. Palagi kasi akong kinukulit at inaasar ni kuya noon.

9. Wala akong mai-share sa inyo na barberong kwento dahil hirap akong magsinungaling.

10. Nag first place kami sa cheer dance competition sa sports fest namin sa school. Ang saya! Dalawang linggo namin pinag-aralan yung mga steps. Ang dami pa naming na-miss na mga lessons at assignments.


Saturday, January 10, 2009

Anti-gravity

video

Wednesday, December 31, 2008

Year Ender Report

First time kong gumawa ng year ender report. Teka, paano ba gumawa nito? Simulan ko na nga lang ito sa pag alala ko sa mga nangyari sa buhay ko ngayong 2008.

-First time kong Manligaw at first time ko ding ma-busted sa isang babae
Una ko sa kanyang sinabing "gusto kita". Ahieee! Kaso ayaw nya ata sa akin eh. Wala ako magagawa. Awwww! Ano ba yan! Hanggang ngayon torpe parin ako.

-Una kong na-meet ang mga Greenpinoy- June 13, 2008
Sa Glorieta kami unang nag-meet kasama si mama (cyber_lola). Nagulat sila na mag-ina pala kami.


-Kumita ako ng pera sa pag edit ng pictures gamit ang photoshop
May kaibigan akong nagpapaedit sa akin ng pictures niya. Kumita ako ng 300 pesos! Masakit nga lang sa ulo (ulo sa taas. nililinaw ko lang) dahil parati akong nakaharap sa computer.

-Nanalo ako sa pa-contest ni kuya Jason na "Pimp my Header"- July 1, 2008
Nagulat nalang ako noong buksan ko ang website ng greenpinoy dahil nakita ko ang ginawa kong banner. 1,500 pesos ang premyo ko. Ibinigay niya sa akin yon noong celebration ni mama sa JT's manukan. naka tseke pa!



-binilhan ako ni papa ng Nintendo wii
Para daw ito sa birthday ko at para makatulong sa pagpapapayat ko.

-Sinurprise ako ng mga Greenies noong birthday ko- November 9, 2008
Akala ko talaga wala kaming ibang kasama sa birthday ko. Niyaya lang ako nila kuya at mama na kumain sa labas. Noong nakapunta na kami sa kakainan namin, at pumipili na ako ng aking kakainin, nagulat nang may sumigaw ng "HAPPY BIRTHDAY" sa likod ko. Tuwang-tuwa ako noon at medyo naluha ako. Ahihi!

-Na-realize ko na ang taba ko na pala
Sobrang taba ko na. Hindi na magkasya saakin ang mga damit ni kuya at ang mga damit na fitted na ginagamit ko dati.




Ano ang mga gusto ko para sa susunod na taon?

Unang-una sa lahat, gusto kong pumayat. kaya magpapapayat na talaga ako. Pagkatapos pa ng new year ako magpapapayat dahil siguradong maraming pagkain mamaya. Hihi!

Pangalawa, sasanayin ko na ang sarili ko na magdala ng brief sa banyo kapag maliligo na ako. Parati ko kasing nakakalimutang magdala ng brief kaya nagpapaabot ako sa nanay ko ng brief.

At pangatlo, hindi na ako masyadong dadaldal at makikipagharutan habang nagkaklase para hindi na ako mapagalitan ng teachers (minsan lang naman ako napapagalitan wihihi!).

Oh! I nearly forgot. I also should practice my english so that It would be easy for me to compose formal themes in our english class.


Before I end this post, I want to thank all my friends for being there to help me in my problems, the greenies for sharing laughters and stories, especially my family for taking care of me and for helping me in my studies. I love you all!

11 hours, 4 minutes, 15 and a half second nalang new year na! HAPPY NEW YEAR SA INYONG LAHAT! Mehel ke keyo!

Monday, December 29, 2008

Telekinesis

video

Thursday, December 25, 2008

Christmas at Tagaytay

December 24, 2008, pumunta kami ng tagaytay para lang kumain at uminom ng kape sa Starbucks. Wala kasi kaming ibang alam na magandang pasyalan doon. Pumunta din kami sa Picnic Grove para mag ikot-ikot. Gusto namin ma-experience ni kuya ang zip-line kaya't nagbayad na kami ng 200 piso. Habang kami ay kinakabitan na ng harness, kinakabahan na ako dahil nakita ko na kung gaano kataas ang aming dadaanan. Parang gusto ko nang umatras pero sayang naman ang aming binayarang 200 kung aatras kami. Nang itinulak na kami at nagsimula nang umandar, ahay shyet! Sigaw kami ng sigaw ni kuya dahil sobrang taas. Napamura pa nga ako nang sobrang lutong sa sobrang takot ko.

Heto ang video namin na kinuhanan ni mama:
video

At Heto naman ang kuha ng kuya ko habang hawak niya ang kanyang cellphone:
video

Ang saya! Parang na-experience ko naring maging Edward.

Sunday, December 14, 2008

Magpapapayat na Ako Ulit

Kanina ay pumunta ako ng school para sa aming family day. Hindi nakapunta si mama dahil masakit ang ulo kaya't si kuya nalang ang pumunta. Napansin ko na habang nirarampa ko ang kuya ko sa school, maraming mga chicks ang nakatingin sa kanya at yoon ang pinaka-kinaiinggitan ko sa kanya. May kaklase akong patay na patay sa kanya. Siya ay si Jane (hindi niya tunay na pangalan pagka't ang tunay niyang pangalan ay Jennifer Gopez).

Mayroon din akong kaibigan na nagsabing 80% ang kagwapuhan ng kuya ko at ang saakin naman ay 70%. Sa tingin ko, magiging 80% din ako pag pumayat ako. Kaya pramis ko na magpapapayat na ako at magbabawas ng kain para maging 80% din ang kagwapuhan ko tulad kay kuya. Diba Jennifer Gopez?

Tuesday, December 2, 2008

Ikaw Kaya ang Magkaroon ng Pinsang Makulet Kaya!!!

tignan niyo kung gaano kakulit ang pinsan ko kahit hindi pa siya lasing. Heto ang usapan
namin kaninang 6:17 PM.


euen balasico: oi san kayo nakabili ng nosebleed??
euen balasico: nag hanap ako sa national wala sila eh
xandrino mangunay: naghnp dn kami sa national bukstore, wala eh
euen balasico: san kyo nakabili
euen balasico: ?
xandrino mangunay: sa office ng nosebleed nakuha ni kuya
euen balasico: san un office?
xandrino mangunay: premyo nila mama yun kaya libre lang
xandrino mangunay: ewn ko ke kuya
euen balasico: whaaa anung laman ng nosebleed?
xandrino mangunay: andami kaya?
xandrino mangunay: !?!
xandrino mangunay: !?!?!?!?!
euen balasico: hahaha i mean andon un pics nyo?
xandrino mangunay: anu yun? itatype ko?
euen balasico: nde
xandrino mangunay: sila mama lang kaya
xandrino mangunay: hindi ako kasama kaya
euen balasico: si mama mo at chuck?
euen balasico: eh si pb?
xandrino mangunay: oo kaya
euen balasico: andon?
xandrino mangunay: oo kaya
euen balasico: bket wala ka?
xandrino mangunay: pang top 6 kaya ako
xandrino mangunay: hanggang top 5 lang kaya
euen balasico: andon si pb?
xandrino mangunay: oo nga kaya!
euen balasico: haha churi namna
xandrino mangunay: ok lang kaya
euen balasico: wala kasi akong copy
euen balasico: ang sungit mo naman
xandrino mangunay: ndi kaya!
euen balasico: hahaha
xandrino mangunay: natatawa kaya ako sayo
euen balasico: tpos andon ang greenpinoy?
xandrino mangunay: oo kaya
xandrino mangunay: bumili ka nalang kaya
xandrino mangunay: para ndi ka tanung ng tanung kaya
euen balasico: anung nilagay sa greenpinoy?
euen balasico: eh kasi nga wala nga kong mhanap eh
euen balasico: kun san san nako naghanap wala naman sila
euen balasico: uu kaya!!
xandrino mangunay: ang kulit mo kaya!
euen balasico: ang kulet mo kaya
euen balasico: hahhaha
xandrino mangunay: hindi ka pa nga kaya lasing!
xandrino mangunay: makulit ka na kaya!
xandrino mangunay: bat ka tumigil kaya?
euen balasico: hahaha
xandrino mangunay: napikon ka kaya?
xandrino mangunay: o hindi kaya?
euen balasico: hjahahah nde noh
euen balasico: eh kasi naman eh
euen balasico: anu nga meron sa greenpinoy?
euen balasico: anu nilagay nila?
xandrino mangunay: ndi ko pa kaya nababasa
xandrino mangunay: kc andami kong assignments
euen balasico: hahaha kaya pal
euen balasico: a
xandrino mangunay: tapos nagmessage ka kaya
euen balasico: haha churi
euen balasico: ok fine
euen balasico: nde na kita iistorbohimn
xandrino mangunay: hanggang anung oras ka onlyn?
xandrino mangunay: baka gs2 mo iscan ko nalang?
xandrino mangunay: tapos isend ko kaya sau
euen balasico: hahaha
euen balasico: tae ka!
euen balasico: wag na
euen balasico: maghahanap nalng ako
xandrino mangunay: cgecge
xandrino mangunay: byebye
xandrino mangunay: haha
euen balasico: bye
euen balasico: do ur homework na noh


Oh diba? Ang kulet.

Monday, December 1, 2008

Happy Moon

December 1, 2008... Minarkahan ko itong araw na ito dahil kakaiba ang nakita ko. 6 PM, lumabas kami ni kuya para bumili ng DVD at mga laro sa Wii. paglabas ko ng bahay, ito ang aking nakita...



Ito ang buwan na sa itaas ay may dalawang stars. Nagmukha siyang happy face. Nakakatuwa diba? Good sign kaya ito? Sa palagay ko ay oo dahil ang happy moon na ito ay nagpangiti sa akin. Happy moon for a happy face. :)

Sunday, November 23, 2008